Dear LRT/MRT Passenger,
Ayokong umabot tayo sa ganito!
Sa tagal ko nang sumasakay sa LRT at MRT, di ka pa rin natuto. Sa dami na ng plakard, signage, poster, pati ang paulit-ulit na recorded at live voice sa istasyon at sa mismong tren, pasaway ka pa rin.
Gusto ko lang ipaalala ang mga sumusunod:
No Spitting. Nakatagalog pa yan na Bawal Dumura! huwag mong gagayahin yung guard sa harap ko biglang nagpakawala ng eeeeeekkkkkyyyy saliva sa tracks.
Please do not step on the yellow platform edge. Pula yan pag nasa LRT ka. Siguro naman malinaw yun di ba? Kung ayaw mo magpahagip sa padating na tren, atras lang po ng konti.
Ito ay Female Area. Eto naman yung tipong obvious na, may mga pasaway na sisingit o nagpapatay-mali. O nagpapanggap.
This lane/train is for the elderly, disabled, pregnant women, with children. Wag mo na ipagpilitang buntis ka (kung di naman talaga, o malaki lang siguro tiyan mo). Wag ka ring magpanggap na may kapansanan ka. Sige liparin ka ng masamang hangin, magkatotoo yan. Lalo na wag ka magpanggap na senior citizen. Ultimate na yan, ha?
Paupuin ang lahat ng nabanggit ko sa taas. Aminado ako, lalo na pag may bitbit akong malaking bag, pagod o maysakit ako, di ako nagbibigay ng upuan ko. Bakit, bawal ba mapagod? Nung sinakay naman namin ng mommy ko ang baby ko, ayaw nila kami paupuin. Fine. E di wag! Para sa mga lalaki, wag nyo na hintayin magpa-cute ang mga babae bago nyo paupuin. Please lang.
Please do not touch the emergency devices found above the door. Meron din nyan sa isang posteng hawakan malapit sa pinto. May mga makukulit na chikiting na Curious George na pinipindot yun. Magtataka na lang yung driver kung anong nangyayari sa likod nya.
Please do not lean on the doors while the train is in motion. Tandaan: nasa huli ang pagsisisi.
Upong otso (presyo ng dyipni ride) naman! May ibang ayaw talagang magpaupo kahit ang luwag luwag pa. Memorize ko na po yan. Yung seats pang-anim, walo, o sampung tao, kaya binibilang ko talaga at makikiupo pag kulang pa. Nung minsan, may umupo sa tabi ko, pilit akong ginitgit hanggang sa nainis ako kaya tumayo na lang ako. Kanya na ang silya!
Wag makipaggitgitan at makipag-unahan sa pagpasok/paglabas ng tren. Common sense siguro na paunahin yung mga lumalabas di ba? Naranasan ko na kasi maiwan sa loob at lumagpas dahil napagsarhan ng pinto.
Dumiretso sa loob ng tren at huwag harangan ang pinto. Heto pa ang isa. Ang luwag naman sa gitna, nagkumpulan ang mga tao sa may pinto. Anong meron?
Mag-ingat sa magnanakaw. Nong isang araw lang, may nadukutan pagpasok nya ng turnstile pa lang. Ginitgit sya ng dalawang lalaki. Ayun, pinahinto nya ang tren kaya ang tagal rin bago kami nakaandar. Mukhang successful naman sya at nabawi nya ang cellphone nya.
Huwag maging flashy. Kung hindi rin lang naman importante, wag na maglabas ng cellphone o anumang gadget. Sandali lang naman ang MRT ride di ba? Enjoy the view of EDSA. *wink*
Huwag magtapon ng kalat kung saan-saan. Ang tracks ay hindi po basurahan. Bow.
Nobela ba? Pasensya naman!
Ika nga ng isang paborito kong kanta ni Ms. Charo Unite: “Kung ano ang di mo gusto, wag gawin sa iba.” Kaya kaunting disiplina lang sana. Para kung itataas man ang singil ng pamasahe, masabi rin nating sulit at masaya ang pagsakay sa LRT/MRT.
Wag kang mag-alala dear passenger. Ang susunod na post ko ay para sa administration ng mga tren na ito. Para di tayo lugi!
Baka may madadagdag kang experiences mo sa pagsakay. Iwan ka naman ng comment sa post na ito!
~ Touringkitty