Please click the link!
One Sunday, multiple venues, thousands of artists representing most parts of the country, one big event.
PASINAYA 2012 NA!!!
Bilang NATIONAL ARTS MONTH ngayong Pebrero, heto na siguro ang isang araw na mararanasan mo lahat ng ka-ARTe-han.
Kumpletos recados ang Pasinaya na taunang ginaganap sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. May kantahan, sayawan, tugtugan, workshops, storytelling, teatro, kainan, lahat na ng maisip nyong ka-arte-han!
At mas espesyal ang araw na ito dahil dadalhin ang Dinagyang sa Maynila!
Busugin ang inyong right brain sa halagang bente! Kapresyo ng nilalakong abubot ni manong sa malaking karitela, kapresyo ng isang cone ng ice cream! Sa dami ng mapapanood mo, masisiyahan tiyak ang iyong five senses.
Kaya imbitahan ang iyong nanay, tatay, ate, kuya, pinsan, iba pang kamag-anak, kaklase, kapitbahay, kaibigan, ka-facebook, lahat na! Pwede lahat ng edad tapos Linggo pa yan kaya tamang-tama!
Pano pumunta sa CCP: Mag-MRT at bumaba sa EDSA, tapos mag-LRT at bumaba sa Vito Cruz. May Orange Jeep na tatawid papuntang Roxas Blvd. Pwede mag-FX papuntang Vito Cruz-Roxas Blvd.
Dali lang puntahan, di ba? Kung nakapag-Star City ka nung Pasko, e di alam mo nang puntahan ang CCP!
Tandaan: Magsisimula ito ng ika-8 ng umaga hanggang gabi na ito! Mamili ka sa napakaraming shows at activities sa buong araw. Sa halagang BENTE!
Kung ayaw mo naman pumila sa pagpasok sa venues, bilhin mo na ang FAST PASS BALLER ID (o di ba, parang Disneyland lang!) sa halagang P200! Sulit na sulit yan!
Agahan ang punta nang makarami! Bawal lang kumain sa loob ng venues, ha? Sa outdoor venues pwede siguro. Pumalakpak pag TAPOS na ang piyesa, huwag sa kalagitnaan, para marinig mo naman ang ganda ng buong kanta.
Ayan, manood ha? Nang magkaroon ng konting ka-ARTe-han ang buhay niyo. Nawa’y maramdaman niyo kung gaano kaswerte maging Pilipino.
~ Touringkitty